Get to Know Behind “The Estudyante Trader” | Finance & Academic Background 🎓
Estudyante Trader
Finance Major | Trader & Investor | Content Creator & Market Educator | SEC-Certified Capital Market Professional | FMVA®, CTA®, CIS®
15/05/2026
Estudyante Trader guesting at NU MOA! 💙
🚀
Suki na talaga tayo ng Star FM! 💙💛💚
Maraming Salamat pong muli sa Pag-imbita sa akin para maging resource speaker, para tayo ay maka-bigay ng valuable learnings & insights sa mga kababayan nating Pilipino.
Lalo na sa panahon ngayon ng krisis bilang isang consumer man, trader o investor, napaka-halaga na aware and informed tayo sa mga pang-ekonomiyang bagay.
Abangan ang ating paglabas! Malapit na! 🚀
Estudyante Trader
Star FM Roxas 103.7
Where is the Philippines Heading with a 7.2% Inflation Rate in April 2026 and 2.8% GDP Growth in the First Quarter of the Year? 📉
The Philippine peso (PHP) is losing value amid the 7.2% inflation rate in April 2026, reflecting weakening purchasing power and negative market sentiment. 📉
How I personally do trading? Estudyante Trader 🚀
Technical Analysis, Trading Psychology & Market Behavior. 🔥
Not Financial Advise, For Documentation & Educational Purposes only. 📈
26/04/2026
Estudyante Trader at CCF Main | God Bless Everyone! 🙏🏻
Another Poser of Estudyante Trader. Please report!
https://www.facebook.com/share/1CSL6hGJvR/
Lagi akong nagpapa-alala dahil baka may maniwala at ako naman ang habulin, mahirap na.
I am not soliciting investments nor donation from the public, I am advocate for real market education.
Will not message you in any way. Thank you!
19/04/2026
Estudyante Trader at Bar Pintxos Salcedo 😍
17/04/2026
How I earn my First 100K at 18 & My First 1M at 20 years old. Story Time Muna! 🔥
Ever since I was a kid, akala ko talagang mahirap kumita nang malaki. Sa una, oo, kasi walang pumapansin sa’yo dahil wala ka pa naman, hindi ka pa kilala, at bago ka pa lang sa field at industry ng finance, crypto at trading.
Dati, bago pa ako maging finance trader at content creator, nanonood na ako ng YouTube videos kung paano kumita, paano matuto ng skills, at paano mag-hustle at a young age.
Noong 2018–2019, nag-try ako ng iba’t ibang klase ng business, katulad ng beverages sa maliit na sari-sari store. Nag e-commerce din ako bago pa mauso ang online selling noong pandemic. Nagbenta ako ng earphones at iba pang accessories, at ako rin ang nagde-deliver.
Bakit walang mga pictures? High school student pa lang ako noon, at hindi ko naman alam na magkakaroon ako ng platform na ganito. Hindi ko na-document dahil akala ko maliit na bagay lang ang mga ginagawa ko noon, pero ‘yun pala ang magiging foundation ko sa kung anong meron ako ngayon.
Isa rin ako sa mga pinakabatang uma-attend ng mga finance seminars (F2F), kahit high school student pa lang ako noon. Hindi pa uso ang webinars dahil pre-pandemic days pa ito. Nagugulat ang ibang attendees dahil akala nila saling-ketket lang ako, 15 years old pero nasa ganung forum at event.
Noong pandemic, doon na ako nagsimulang mag-YouTube at maging content creator. Pinangalanan ko itong “The Estudyante Trader” kasi ibig sabihin, kahit estudyante ka pa lang ay puwede ka pa ring maging trader. Pwede kang matuto at magkaroon ng opportunities at a young age.
Mula sa charting analysis at market updates, kinagat naman ng mga viewers. At syempre, gusto nating makatulong sa mga kababayan natin, nag-mentor ako sa tamang paraan ng pagte-trade. Hindi ako nanghihikayat, pero ang mga tao ang lumalapit sa akin para magpaturo at magpa-guide sa trading at investing.
Para masagot na ang tanong, yes, kumita na ako ng ₱100K even before my 20s. Hindi ko inakala na kikita ang YouTube channel ko nang ganoon kalaki noong time na ‘yon. First ₱1M naman at 20 years old, dahil sa accumulated revenues mula sa business ventures, endorsements at brand partnerships, trade and investment profits, at iba pang professional services.
Sa totoo lang, hindi na lang pera ang nakikita ko ngayon. Mas mahalaga na tuloy-tuloy akong natututo, lumalawak ang network ko, at nadadagdagan ang values na natututunan ko sa journey ko. ‘Yun ang hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.
Hindi rin ako nag-drop out. Mas okay para sa akin na may diskarte ka na sa buhay at may diploma ka pa. Mas mahirap gawin ‘yan, pero mas nakakabilib kung meron ka nito.
Ang goal ko talaga ay matulungan ang sarili ko, family ko, at ang ibang tao. Na kahit estudyante ka pa lang, may magagawa ka na, kahit maliit sa tingin mo, may maitutulong ‘yan.
Minsan, puro achievements na lang ang nakikita sa akin ng iba. Hindi nila nakikita ang behind the scenes, ang hard work, puyat, pagod, stress, at ang effort at sacrifices na kailangan kong pagdaanan.
Sa ngayon, ang natutunan ko rin ay huwag na lang sabihin kung magkano na kinikita ko haha!
Wala na rin akong kailangang patunayan sa ibang tao dahil sapat na at higit pa ang bigay ni Lord.
Patuloy lang sa pag-aaral as Finance Major, at malapit nang grumaduate! I took even regulatory license and finance certifications from local and international finance and educational institutions. I paid hundreds to thousands of dollars para sa education ko kasi napaka-halaga nito.
Malayo pa ako sa mga goals ko, pero napatunayan ko na malayo na rin pala talaga.
Magsimula ka lang, matuto sa iba, at manatiling mapagkumbaba. Magiging successful ka din!
Thank you, Lord! 🙏🏻
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Manila
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 9am - 5pm |
| Sunday | 9am - 5pm |