Tsong Madiskarte

Tsong Madiskarte

Share

Usapang budget at financial goals! Our goal is to educate more Filipinos about Financial Literacy and to guide in securing your future financial needs.

Nandito kami para gumabay, tumulong at sumuporta! Kaya wag mahiyang maging MADISKARTE!

Photos from Sun Life Philippines's post 30/11/2025
06/11/2025

Iba pa rin kapag may Health Insurance ka 💯

Alam mo ba na magkaiba ang role ng HMO at Health Insurance?
👉 Ang HMO (Health Maintenance Organization) ay usually binibigay ng employer. Covered ka for check-ups, lab tests, confinement, at iba’t ibang basic medical needs — pero madalas may limit o cap per year. Kapag naubos na, ikaw na ulit ang sasalo sa gastos.

👉 Ang Health Insurance naman, personal mong investment. Ito yung nagbibigay ng mas malaking coverage para sa critical illness, long-term hospital needs, at kahit cash benefit na ikaw ang magde-decide kung saan gagamitin — pampaospital, pambayad ng bills, o pang-pondo habang nagpapagaling ka.

Kaya kung may HMO ka, good start na ‘yan! Pero kung may Health Insurance ka rin, doble proteksyon at mas panatag ang future mo. Tandem sila, parang seatbelt at airbag, parehong kailangan para mas buo ang proteksyon mo. 🚑💛

06/11/2025

❗❗❗ ingat tyo mga tsong

the incoming typhoon is almost as big as the philippines 😳

12/10/2025

🇵🇭PHILIPPINES IS SHAKING! 😟
Pray. Take safety precautions. BE ALERT!



Cebu
Magnitude 6.9

Baguio
Magnitude 4.8

Davao
Magnitude 7.4

Now, Zambales 5.0😨

😥😔😣

Stay prepared!
Build your emergency go-kit!
Store 7-14 days worth of supplies checklist:

Photos from UNICEF Philippines's post 12/10/2025
12/10/2025

What does the first 3 hours after a Major earthquake look like?

Base sa mga trainings and seminars na aming napuntahan and post disaster incident reports na aming nabasa, we'd like to share kung ano ang nagyayari at dapat ninyong gawin given an earthquake scenario and ibat-ibang sitwasyon.

Mapapanatag tayo at madaling makaka kilos ng tama kung alam natin ang mga dapat gawin kapag nangyari ang isang insidente.

•••
Terms: Ang Assembly Area at Evacuation Area ay magkaiba. Ang Assembly Area ay temporary area for gathering of people.
Ang Evacuation Area naman ay short term (days or weeks) alternate relocation for shelter of evacuees.
•••

SCENARIO 1.
SUNNY WEEKDAY MORNING. NASA SCHOOL ANG MGA LEARNERS, NASA OFFICE NAMAN ANG MGA WORKERS.

YOU FELT THE GROUND SHAKING INTENSELY. A MAGNITUDE 7.5+ MAJOR EARTHQUAKE HAPPEND.

✓ DROP, COVER, HOLD ON.

- If nasa sasakyan, STOP.
- Look at your sorroundings. Humanap ng area kung saan pwedeng mag park later AFTER mag stop ang pagyanig.

SITUATION: ONCE THE SHAKING STOPS:

✓ evacuate the building though designated exits and go to an open area. Malayo sa electric poles, powerlines and away from high rise buildings na puwedemg bumagsak ang mga debris sa kinatatayuan mo.

✓ Mag park sa isang safe na lugar. Kailangan mong irelax ang sarili after a major incident.
- Kung hindi na magamit ang sasakyan kasi tumirik or maraming nakaharang sa kalsada, iwan ang sasakyan sa isang lugar na hindi makakasagabal. Alisin at dalhin lahat ng important items. Go straight home to your family.

✓ Go to the designated ASSEMBLY AREAS.

✓ Provide help and support if you can and if you are trained to do so.

SITUATION: MAY MGA BUILDINGS AND POSTE NG KURYENTE ANG NASIRA.

- Stay away from buildings, electric poles and electric lines.

- DO NOT GO INSIDE A BUILDING RIGHT AWAY AFTER A MAJOR EARTHQUAKE.

✓ Conduct assessment sa bahay or Gusali kung may mga visible cracks or deformation.

- sa mga companies, normally ay may naka assign na gumawa ng safety assessment. Sa mga bahay naman, mag assign ng isa or mga member ng pamilya na gagawa nito.

- if mayroon nakitang cracks or deformation sa bahay, lagyan ang bahay ng danger tape, tali or harang ang pintuan. HUWAG PUMASOK. Baka bumigay ito kapag nagka aftershocks
- nasa ComSec ang ilang sample ng craks na dapat ay i-flag as unsafe. Best to have it checked by a structural engineer (even from the city).

- By default, lahat ng power lines ay considered "live". So iwasan lahat ng power lines na nakalapag sa kalsada or naka hang.

SITUATION: TRAPED

Kung ikaw ay na-trap at hindi makapag evacuate.
• assess your sorroundings.
• look for an opening kung saan pwedeng makalabas or maging source of oxygen.
• Gumawa ng ingay upang mapansin. Avoid shouting unless may rescuers para hindi ka mapagod or maubusan ng hangin.

Dito mabisa ang whistle or pito.

• sumigaw kapag may narinig na footsteps possible rescuers.

SA MGA NASA ASSEMBLY AREAS:

SITUATION: EXPECT AFTERSHOCKS.
Dapat ay nasa Assembly or evacuation area ka na ng mga oras na ito.

1. Kung may signal ng mobile network or internet, Check on your loved ones and inform them that you are safe. Baka mawala ang signal dahil affected ang towers or congested ang mga linya.

2. Magpalista sa inyong designated safety marshal, teacher or class president ng inyong pangalan at safety status para sa attendance.

- Mahalaga po ito to account for every person at malaman ang status ng bawat isa kung safe ba or injured.
- Picturan ang attendance sheet at Ibigay ang kopya sa inyong designated command center or Principal/Dean.

Even sa mga communities, streets, subdivision at villages ay dapat may designated assembly areas. Ito ang PINAKA SAFE na lugar sa inyong area.

Dapat din ay may pag-account sa lahat ng community members.

- ang dapat nakalagay sa listahan ay:
a. Number at street ng bahay
b. Surname or apelyido ng designated household owner (ex. Cruz family)
c. ilan ang nakatira
d. ilan ang nasa assembly area ngayon
e. ilan ang wala sa bahay (dahil nasa trabaho, naka bakasyon etc.).

3. Ireport kaagad sa Principal or safety Marshal kung may unaccounted na tao.

Dapat ay may white board na nakalagay ang summary statistics sa Assembly area.

4. Kung malayo kayo sa inyong loved ones, Check the situation of your house or community thru Family group chats or neighborhood GCs ninyo or thru the CCTV sa inyong bahay, kung mayroon.

- importante ang family at Homeowners group chats sa mga ganitong sitwasyon.

Kung kailangan sunduin ang inyong anak sa School, gawin ito matapos masiguro na safe ang ibang miyembro ng pamilya. Ang assumption ay safe ang mga bata sa school dahil may Earthquake Protocols sa paaralan (default and mandatory ito sa lahat ng schools).

5. PRAY. Magdasal ng Rosary to seek divine help. Dasalin ang lahat ng mysteries. This will keep you calm.

6. Help others who are in need, if you can.

Maraming magkaka panick attack, hihimatayin, at baka may mga injured. If you can lend a hand, please help.


SITUATION: ONGOING RESCUE AND RESPONSE OPERATIONS NG MGA RESCUERS AND AUTHORITIES.

Sa dami nang kailangan ng tulong, for sure ay swamped with calls ang Marikina City Rescue 161, National 911. Or kung makontak man sila, all rescuers have been deployed.

Most likely ay affected din ang ilan sa mga members ng LGU na dapat ay magbibigay ng support.

SITUATION: GO HOME / GOING OUT OF ASSEMBLY/EVACUATION AREA

Kung nasa school na kayo, it should already be the designated evacuation area. Kung affected din ang evacuation area, lumipat sa pinaka malapit at safe na alternative Barangay or LGU designated evacuation Area.

Assume that bridges are not safe for use. Lalo na ang mga matatagal nang brdiges. Kailangan ay ma-assess muna ito ng authorities at i-declare na safe for use. Pass at your own risk.

- dapat ay may naka assign na dito from the Damage Assessment Team ng BDRRMO or CDRRMO.

Depende sa protocol ng inyong school or kumpanya, either pauwiin kayo or you decide to stay sa inyong assembly area.

Sa mga aalis sa assembly area, magpaalam sa Safety Marshal or Teacher/Principal. Dapat ay nakalista ang oras ng iyong pag alis.

Dapat ay mayroong nakalatag na protocol at agreement ang school at parents kung ano ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon. Papauwiin ba ang mga bata? Anong grade level ang papauwiin on their own at anong grade level ang kukupkupin sa evacuation center until such time na sunduin sila ng kanilang mga magulang or guardians

- Dapat ay nakalagay ito sa Student's Handbook.

Ang lahat ng listahan at reports during disasters ay ibibigay sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO). At ibibigay naman ng BDRRMO sa LGU / City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

- Ang mga Principals ay magbibigay din ng same listahan at report sa DepEd.

- Kailangang alam ng HOA Leaders, School Principal/Dean at Company safety Marshal kung kanino ibibigay ang information na ito sa Barangay or LGU.

SITUATION: CONTINUOUS RESCUES AND EVACUATION.

Authorities and rescuers, pati mga volunteers ay Busy sa pag rescue ng mga tao na nangangailangan.

Sa dami ng need ng tulong, baka hindi na kayo mapuntahan. Kailangan mag tulong-tulong ang mga nasa paligid.

Kasabay din ng major earthquakes ang Sunog at Chemical leaks.

SITUATION: HOSPITALS ARE EVACUATING THEIR PATIENTS.

Dahil sa mandatory evacuation, pati mga ospital ay inilalabas ang kanilang mga pasyente. Hospitals will use streets and any vacant safe areas as Assembly points.

Kung ikaw ay nasa ospital at kaya mong maglakad or ambulatory, maglakad ka na palabas at huwag nang hintayin na may mag assist pa. Nakatutok ang mga doctors at nurses sa mga non-ambulatory na kailangan ng wheelchair or nasa hospital bed.

•••

Kapag may major incident kagaya ng isang Malakas na Lindol, hindi ninyo namamalayan ang paglipas ng oras. Napaka bilis lang ng 3 hours.

We'll have 2 more scenarios. Ilalagay natin ito sa mga next posts natin.

We'll also have a separate post about GO BAGS.

If you have other suggestions kung anong maaring gawin in the first 3 hours after an earthquake, feel free to put it sa ComSec.

THIS IS AN ORIGINAL CONTENT PREPARED BY INSIDE MARIKINA.

° ° ° ° ° ° ° °


Like and follow
We are on FB | IG | TikTok | YouTube

20/09/2025

Never discourage your loved ones from getting insurance unless you’re ready to pull out ₱2M in cash when hospital bills come knocking.

💸 Protecting them today means saving them from tomorrow’s burden.

19/09/2025

🫶

Nagtataka minsan ang mga clients na nakakausap ko kung bakit hindi ako pushy mag-close.

Truth is, masaya talaga ako magturo. Iba yung joy kapag yung kausap ko may “aha moment” dahil may bago silang natutunan sa akin.

Pero syempre, kahit hindi kita minamadali, prayer ko rin na huwag tayong maunahan ng:
- Sickness
- Accident
- Disability/Death

Kasi yun mismo yung mga unang problema na sinasagot ng insurance. Hindi kita pipilitin. Pero sana, once marealize mo yung importance nito, huwag kang mahihiyang magsabi ng: “𝙃𝙞, 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙡𝙖𝙣 𝙠𝙤.”

Want your business to be the top-listed Accountant in Makati?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Makati
1200