22/06/2026
Napaka-powerful ng social media pagdating sa mabilisang pagkalat ng impormasyon. Pero kasama rin nito ang isang malaking downside—walang sapat na proteksyon laban sa fake news, misrepresentation, at misinformation.
May mga clients akong lumalapit para ipa-review o ipa-monitor ang kanilang policies dahil wala na silang active servicing agent. Meron ding may active agent pa, pero hindi na nila makontak o hindi na nila maasahan para sa timely updates at policy concerns.
Mas nakakalungkot pa, may mga nagde-decide na i-cancel ang plan nila—kahit matagal na nila itong sinimulan—dahil lang wala na silang agent na mapagtanungan.
Sa karamihan ng mga na-encounter ko, exposed sila sa impormasyon na hindi naman fact-based. Dahil wala silang makausap para mag-clarify, napapaniwala sila sa mga nababasa online. Minsan naman, dahil sa dating bad experience o trauma, nagiging sarado na sila sa ibang perspective at nauuwi sa policy surrender.
Bilang isang financial advisor na seryoso at dedicated sa ginagawa, sobrang nakakalungkot makita ang mga ganitong sitwasyon. At alam ng mga kapwa ko advisors na may parehong experience kung gaano ito kasakit makita.
Kasi sa dulo, ang client ang tunay na nawawalan.
Nawawalan sila ng plan na sinimulan nila para magkaroon ng financial backup sa panahon ng mga hindi inaasahang pangyayari. Nawawalan sila ng potensyal na pondong magagamit sa oras ng pangangailangan o maidadagdag sana sa kanilang retirement fund.
Kaya naman, laging kumonsulta sa inyong trusted insurance agents tungkol sa inyong policies.
Kung may investment component ang plan mo at pakiramdam mo ay mabagal ang growth, may mga options na pwedeng pag-usapan at pag-aralan. Halimbawa, maaaring i-review kung angkop pa ba ang kasalukuyang fund allocation base sa iyong goals, risk appetite, at market performance.
Mas mabuting magdesisyon base sa data, policy review, at guidance mula sa mga licensed professionals kaysa sa random opinions mula sa internet. Napakalaking halaga at financial security ang nakasalalay sa mga desisyong ito. ✅
Anyways, congratulations sa isa sa aking mga clients! 🎉
Kakatapos lang niya ng kanyang unang full year.
📌 Plan: Elite 5
📌 Premium: ₱204,000/year
📌 Fund Allocated for Investment (Year 1): ₱142,800 out of ₱204,000
📌 Insurance Benefits: Complete (see image below)
📌 Projected Fund Value (Year 1): ₱81,000–₱86,000
📌 Actual Fund Value: ₱174,000+
📌 Type of Fund: Global 🤑
Hindi ito garantiya ng magiging resulta para sa lahat dahil iba-iba ang market performance, timing ng investment, at market conditions. Ang nakaraang performance ay hindi garantiya o indikasyon ng magiging performance sa hinaharap. Ang bawat policy at investment journey ay may kanya-kanyang resulta depende sa iba't ibang factors.
Gayunpaman, magandang paalala ito kung gaano kahalaga ang tamang guidance, regular policy review, at paggawa ng mga desisyong nakabatay sa facts kaysa sa haka-haka o misinformation.
Maging responsable tayo sa paggamit ng social media. 🤗
Huwag basta-basta maniwala sa fake news, anonymous sources, o impormasyong walang sapat na basehan. At higit sa lahat, huwag rin tayong maging bahagi ng pagpapakalat nito. ✨
Message me for any questions, clarification, consultation.
I-schedule natin yan! 😊
07/04/2026
17/03/2026