05/20/2025
A Different Jollibee Paper Bag Story π
I was having PMS sobrang init ng ulo ko, tambak ang ginagawa ko sa bahay at sa work. Hindi ko sya masyadong iniimik kasi mainit talaga ang ulo ko, and I was trying to finish everything habang iniisip pa kung anong kakainin namin for lunch.
Alam niya na during PMS, I always crave for spaghetti. Hindi ko naman sinabi, pero kilala na niya ako.
Biglang may dumating na delivery. Siya ang kumuha. Pagpasok ko sa kusina, may hawak siyang Jollibee Spaghetti Family Pan.
"Oh para sayo" sabi niya. βAlam ko gusto mo βto kapag may PMS ka eβ π₯Ήπ₯°
Na-touch talaga ako. Kasi sa simpleng bagay na βyon, pinakita niya na he notices even the little things. Yung mga bagay na akala mo walang may napapansin pero siya, napapansin niya. At ginagawan pa niya ng paraan.
Mahalaga talaga na piliin mo ang taong hindi lang basta nandyan, pero yung taong tunay kang iniintindi, Kahit hindi ka okay, gagawin ang lahat para mapagaan ang pakiramdam mo.
Kahit feeling mo hindi mo deserve, ipapaalala niya na you deserve love, care, and peace.
We all deserve that kind of love. Yung walang hinihinging kapalit. Yung kahit spaghetti langβ¦ ramdam mo na mahal na mahal ka. π
02/09/2024
"A bull market is like s*x. It feels best just before it ends." -Warren Buffett
03/15/2022
Describe your sahod using gifs π€π€π€
ππ»ππ»ππ»
02/20/2022
SAAN NA NAMAN NAPUNTA PERA KO?!?!? πππ
Kung hindi mo pa rin alam kung saan napupunta ang sahod, aba pagisipan mong maigi! Char! π
Etong budgeting technique na to ang bumuhay sakin nung pandemic. Kung di ko nalaman to, baka nanguna na ko sa pila ng ayuda simula ng magka covid dahil wala akong trabaho at wala akong income.
Ang big question mark talaga is "Paano ba natin paghahati hatiin ang sinasahod natin na hindi nagsusuffer ang pag aadd to cart natin at dami ng bills?"
Ang sarap kaya sa feeling na nababayaran mo ung mga monthly obligations mo and at the same time, hindi nagrereklamo ang mga tao sa bahay niyo kapag may order ka sa shopee at lazada dahil alam nilang may pambayad ka. π
Walang magic at walang sikreto dito. Tamang budgeting teknik at disiplina lang talaga. Consistency is the key ika nga.
Hindi naman ibang tao ang responsable sa buhay na tatahakin natin e, ito ang resulta ng mga desisyon natin sa buhay. π
Curious lang talaga ako, magkano na kaya pera ng taong to ngayon kung nagsimula na siyang mag budget nung 2019? πΈπΈπΈ
02/14/2022
NAGBAON KAMI NG KANIN AT KUMAIN SA IHAWAN
Naalala ko noong college pa lang kami may isang ihawan kami na gustong gusto kainan pero mahal dahil kilang kilala siya.
Syempre estudyente pa lang kami, umaasa lang kami sa baon na binibigay ng parents namin.
Sa kagustuhan namin kumain don, nagbaon kami ng rice para ung barbeque na lang bibilhin namin. (Sobrang mahal din kasi ng rice dun π)
Edi nasatisfy namin ang cravings namin at nakakain sa masarap na ihawan na hindi masyado gumagastos.
Hanggang sa nagkatrabaho na kaming pareho, nakakakain na kami sa mga buffet, samgyupsal na hindi na nagbabaon ng kanin π nangangahulugan na unti unti nang nagbubunga lahat ng pagsisikap namin.
Ang sarap sa pakiramdam ng may taong kasabay ka magsikap para sa inyong pangarap.
Noong panahon walang wala kayo, pinagdarasal niyo na "sana matanggap ako sa trabaho ko, na sana maging successful ung business ko."
Ung taong hindi ka iiwan kahit nasa rock bottom ka na, at susuportahan ka sa mga plano mo sa buhay.
Hindi dapat maging hadlang ang estado ng tao sa buhay kung di ka man niya madala ngayon sa mamahaling restaurant or mabigyan ng bulaklak.
Kung mahal ka niya gagawin niya ang lahat para malagpasan ang mga pagsubok at kailangan niyo lang maniwala sa isat-isa.
Happy Valentine's Day everyone! Nawa'y maging masaya ang lahat everyday at hindi lang sa araw na ito. β€οΈβ€οΈβ€οΈ
Eto pala ung picture namin nung kumain kami sa ihawan, nasa baunan pa ung kanin naming dalawa ππ
02/03/2022
I overheard a mother saying "basta ang anak ko ang magbabayad ng mga utang ko" I was looking at the innocent eyes of her kids who don't have an idea na sila pala ang magbabayad ng utang ng mga magulang niya pagdating ng panahon.
Let's not normalize letting your kids pay for all of your debt. They haven't started their career yet pero may nakaabang na pala silang bayarin na di naman sila ang may gusto.
Don't get me wrong, there are still children who voluntarily help their parents (I salute all the breadwinners) but they should not oblige their children to do this for them. We have to plan ahead our future and dont depend to your kids for your future.
photo taken from Arkitekyuklid
02/02/2022
NAUBUSAN KAMI NG PERA!!
How me and my partner manage our finances?
Naexperience namin dalawa na nauubos pera namin noon dahil kakastart lang namin magtrabaho.
Every sahod kakain sa mamahaling restaurant dahil pinaghirapan naman namin pareho un.
Habang nagtatagal, ung hard earned money namin walang kinapupuntahan at naisip ko na "ang hirap pala magtrabaho habang buhay kung wala kang naiipon habang nagwwork ka."
May nabasa ung boyfriend ko na book how to allocate our money na hindi nagssuffer yung mga luho natin sa buhay.
Naituro niya sakin un at nakakatuwa dahil nabibili ko ung gusto ko habang nagiipon ako. We also have a budgeting technique to manage our finances.
Why do we need to be transparent to our partner when it comes to money?
There was a time na medyo tight budget namin para mag celebrate ng Valentine's Day.
We've decided na magluto ng mga gusto namin instead na lumabas para lang mag celebrate ng engrande sa Valentine's Day, iwas na rin sa dami ng tao at traffic. π
Hindi na rin ako nag expect ng something from him dahil alam naming pareho na wala kaming budget para mag celebrate. We end up staying at home and nagluto siya ng napakasarap na dinner for both of us! Nakakain pa ung family ko, oh diba lahat kami masaya plus pogi points pa! π
Anong mangyayari kung di niyo alam na wala palang budget si partner to celebrate?
1. Mappressure kayo pareho saan kayo kukuha ng pera para lang maitawid ang celebration ninyo.
2. Baka mapautang kayo pareho kasi sanay kayo na nagreregaluhan sa isa't isa.
3. Mageexpect na may celebration at dahil di alam na wala nang sapat na pera, maiinis pa dahil mauubliga ka mag spend ng money para sa Valentine's Day kahit alam mong walang wala ka na π₯Ί
4. Baka umabot pa sa hiwalayan dahil pinaasa siya at magddrama sa friends niya na di na siya love dahil di kayo nagcelebrate ππ
Communicate and be transparent sabi ni Randell Tiongson. Dapat alam natin pareho ang pinagdadaanan ng isa't isa pagdating sa pera para maiwasan ang tampuhan at away. π€π€
Importante talaga na nagtutulungan kayo pagdating sa finances dahil this is the end goal, TO HAVE HAPPILY EVER AFTER AND TO BE FINANCIALLY FREE! π€π€
Oh mag Valentine's Day na ulit! Tandaan, happy partner, happy life dapat! π