05/05/2026
PINOY EV called ELEKTRON.
Specification:
Ang battery nito ay gawa mula sa planetang Cybertron na masusing pinagaralan ng mga dalubhasang decepticons. Eto rin ang battery na nakakabit kay Optimus Prime.
Ang body ay gawa sa Mazinger Alloy na galing pa sa planetang Boazania, ang metal na ito ay ang baluti ni General Oslac na kahit Lazer Sword ni Voltes V ay hindi kayang hatiin.
Ang baterry ay nag bubuga ng mataas na enerhiya, isang Power Dynamo na nag mula pa sa planetang Bramins na nagtangkang lupigin si Daimos buti nalang may spy tayo na ang pangalan ay Erika. 🤣🤣🤣
23/02/2025
Patunay na kahit na ibinigay mo na ang lahat ng tulong mo, hindi ka pa rin nila kinikilala. 💔
--------------------------------------------------------------------------
Ang hindi pagkakapili ng kalabaw bilang isang icon sa pera ng Pilipinas ay maaaring sumasalamin sa kung paano madalas na hindi pinapansin ng lipunan ang ambag ng mga karaniwang masisipag na indibidwal. Habang ang mga hayop tulad ng Visayan spotted deer at Palawan peacock—na hindi gaanong kilala sa maraming Pilipino—ay itinampok sa ating salapi, ang kalabaw, isang hayop na malapit na konektado sa buhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga kanayunan, ay nananatiling wala.
Ang pagpiling ito ay maaaring maging isang metapora kung paano madalas na hindi kinikilala ang pagsisikap at pagtatrabaho ng mga ordinaryong Pilipino, sa kabila ng kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng bansa. Sa pagpili ng mga hayop na mas kakaiba o hindi pangkaraniwan, maaaring nawawala ang pagkakataong parangalan ang pangkaraniwang manggagawang Pilipino—katulad ng kalabaw—na may mahalaga ngunit mapagkumbabang papel sa ating lipunan.
27/01/2025
KUNG ANO ANG MERON AKO NGAYON,
YAN AY BUNGA NG DECISION KO KAHAPON.
------------------------------------------------------------
Nagsimula akong walang wala, WALANG MAKAIN, WALANG PAMASAHE, WALANG NANINIWALA at MARAMING NANGUNGUTYA, ni isang kamaganak ay WALANG NANIWALA.
Pero dahil isinumpa ko ang kahirapan, at hindi ako naging baby sitter ng kadramahan, bagkus lumaban sa buhay,
Naniwala sa aking sipag,tyaga at determinasyon dahil eto lang ang meron ako. Pero kung walang tamang oportunidad, balewala ang lahat ng lakas ng loob ,sipag at talento ko.
----------------------------------------------------------------
Salamat sa JC/HOF na naging daan para magkatotoo ang mga pagbabagong ina-asam asam ko.
IKAW? ano ang desisyon mo?? SANA MAKITA MO DIN ITO.
---------------------------------------------------------------
17/12/2024
Kanegosyo Year End Party.
-------------------------------------------------------
While most of the people are busy looking for work..
Entrepreneurs are busy looking for Network.
07/12/2024
True Story: Raffle
Noon, sa isang pinagtrabahuhan ko. ako ang na assign na mag emcee sa Christmas party namin dahil bibo naman daw ako.
Then pagdating sa raffle portion ako bumubunot ng mga nanalo at Boss ko naman ang nag aabot ng Prizes. after the party minumura ako ng ilang empleyado dahil sa sama ng loob, bakit daw hindi sila nanalo sa Raffle. Mula noon na outcast na ako sa department, ginawan pa ako ng issue at pinulitika a, hanggang nag resign nalang ako dahil di na ako masaya.
TANGINANG RAFFLE YAN, hindi yan ang sessense ng Christmas Party at mga Reunion. Kung raffle lagi ang hangad mo, Dios mio bigyan mo naman ng konting dangal ang sarili mo, ano ka timawa? Nag punta ka sa party para makisaya, makisama at mag share ng inyong mga alaala, Di baleng hindi ka naging successful gaya ng mga dati mong kabarkada at ka eskwela basta buo ang dignidad mo at credibility mo sapat na yon para umattend ka, hwag kang mahihiya, mas nakakahiya ang dumating ka ng walang ambag tapos aasa ka pang manalo sa raffle.