27/06/2025
“Bago Ka Pumasok sa Negosyo, Dapat Handa Ka sa Lahat, Lalo Na sa Hindi Nakikita ng Iba.”
Isang matagumpay na negosyante ang nagbahagi ng mga payo para sa mga gustong sumabak sa mundo ng negosyo. Sa dami ng tao ngayon na nai-inspire sa mga entrepreneurs na "umaasenso" o tila may "madaming pera," madalas ay hindi nila nakikita ang buong larawan. Ang totoo? Maraming sakit, sakripisyo, at paghihirap ang kaakibat ng bawat tagumpay.
“Tip bago ka pumasok sa buhay negosyante: Dapat handa ka ma-stress. Dapat handa ka mapuyat. Dapat handa ka sa pagod.”
Hindi ito biro. Kung sa trabaho mo ngayon ay napapagod ka na, sa negosyo mas matindi pa dahil wala kang boss na magsasabi kung kailan ka titigil. Ikaw ang boss, pero ikaw din ang una at huling lalaban para umusad ang negosyo mo.
Maging ready ka rin sa mga bagay na simple pero napakahalaga:
Dapat madami kang calculator dahil araw-araw may bibilangin, may kakalkulahin, at may babalansehin.
Dapat may notebook at ballpen ka lagi, ang utak ng negosyante ay laging puno ng ideya, gastos, strategy, at panibagong plano.
Dapat may tatlong bank accounts ka, isa para sa kita, isa para sa expenses, at isa para sa savings o reinvestment. Importante ito para hindi mo mahalo-halo ang pera ng negosyo at personal mong budget.
“Huwag mong paghahaluin ang pera ng business at personal mo.”
Ito ang isa sa pinakakaraniwang pagkakamali ng baguhang negosyante. Kapag halo-halo ang gastos, maguguluhan ka at pag nagulo ang pera, susunod diyan ang stress, at minsan, tuluyang pagsuko.
“Iwasan ang bisyo, babaan ang pride, matutong magpakumbaba.”
Sa negosyo, ang humility ay hindi kahinaan, ito ay katalinuhan. Kailangan mong matutong makinig, magtanong, mag-adjust, at minsan ay magpakumbaba kahit alam mong ikaw ang may negosyo. Ang pride ay hindi kailanman makakatulong sa cash flow mo.
Marami sa atin ang nag-aakala na kapag may business ka na, okay ka na. Pero ang hindi nila alam:
May pressure araw-araw, paano kung malugi? Paano babayaran ang utang? Paano isusuweldo ang tao?
May pagod na hindi lang pisikal kundi mental at emosyonal.
May internal battle, minsan iniisip mong sumuko, minsan naiiyak ka na lang sa pagod, pero kailangang ituloy kasi may mga umaasa.
May sleepless nights na iniisip mo kung paano palalakihin ang maliit mong puhunan. Yung tipong wala ka nang oras para sa sarili mo pero hindi ka puwedeng tumigil.
"Hindi nila nakikita lahat ng yan."
Ang nakikita lang ng iba ay yung napundar mong negosyo, yung store mo na may sign, yung online shop mo na may sales. Pero hindi nila alam na pinapaikot mo lang yung puhunan mo. Akala nila madamot ka kapag hindi mo sila napagbigyan pero ang totoo, hindi mo pwedeng galawin ang ikot ng negosyo mo dahil isang maling hakbang, pwede kang mabagsak.
“Kaya sa lahat ng negosyante: Laban lang tayo ng laban.”
Hindi madali. Hindi laging may benta. Hindi laging masaya. Pero tandaan, ginagawa mo ito hindi lang para yumaman, kundi para abutin ang pangarap mo, para may mapatunayan sa sarili mo, at para makapagbigay din sa iba balang araw.
Kung ikaw ay negosyante, alam mong hindi ito shortcut to success, isa itong mabatong daan na kailangang sipag, tiyaga, at tiwala sa sarili para marating ang dulo. Pero sa bawat araw na hindi ka sumusuko, kahit pagod na pagod ka na nandoon ang tunay na tagumpay.
Mabuhay ang lahat ng small business owners. Mabuhay ang pangarap mong pilit mong itinatawid araw-araw. Keep grinding. One day, it will all be worth it. 💪💼🔥
-GalawangFrancisco
•Photo Courtesy: TUTS Batangueño (Facebook)
28/05/2023
06/05/2021
25/04/2021
27/02/2021