26/01/2026
Hindi na makikipag-agawan ng lupa sa kamag-anak
ang henerasyon ngayon.
Hindi dahil wala kaming pakialam.
Hindi dahil wala kaming prinsipyo.
Pagod lang kami
sa kwentong paulit-ulit naming nakita
habang lumalaki.
Lumaki kaming nakikinig
sa sigawan dahil sa mana.
Sa bulungan sa likod ng reunion.
Sa mga kapatid na biglang naging magkakampi at kalaban
dahil lang sa titulo.
Lumaki kaming nakita
kung paano nasira ang pamilya
dahil sa lupa.
Mga dating magkakasama,
hindi na nag-uusap.
Mga simpleng handaan,
may bigat na dala.
Mga magulang na tumandang may sama ng loob
dahil ang iniwang pamana
naging ugat ng gulo.
Kaya ngayon,
iba na ang pinipili ng henerasyon ngayon.
We choose peace over property.
We choose distance over drama.
We choose starting from scratch
instead of fighting over what was left behind.
Hindi dahil ayaw namin ng lupa.
Hindi dahil wala kaming ambisyon.
Pero ayaw naming ipagpalit
ang relasyon
kapalit ng ari-arian.
Noong dati, normal lang ang mag-away sa pamana.
Normal lang ang magkasiraan
para sa lupa.
“Karapatan ko to.”
“Pinaghirapan to ng magulang natin.”
“Hindi ako papayag.”
Pero nakita namin
kung saan nauuwi yan.
We saw families break.
We saw love turn into resentment.
We saw inheritance become a burden, not a blessing.
Kaya marami sa amin
piniling umatras.
Piniling magsimula ulit.
Piniling mag-build ng sarili naming buhay
kahit mas mahirap.
Kasi mas mahalaga sa amin
ang katahimikan
kaysa panalo sa korte.
This generation isn’t weak.
Pagod lang kami sa gulo
na hindi naman namin sinimulan.
Kaya kung pinipili naming umiwas,
hindi yon kawalan.
Pagprotekta yon.
Sa sarili.
At sa pamilyang ayaw na naming tuluyang masira.
Hindi na makikipag-agawan ng lupa
ang henerasyon ngayon.
Hindi dahil wala kaming pakialam sa pamana.
Kundi dahil mas natuto na kaming
pahalagahan ang kapayapaan
kaysa titulo.
24/01/2026
We need to talk about the retirement in the Philippines...
18/01/2026
Haven’t you noticed and realized?
The scariest part of Noah’s Ark wasn’t the flood… it was the design.
God gave exact measurements.
Chose the wood. Sealed it perfectly.
But He left out a steering wheel.
No sailor. No engine.
The Ark wasn’t built to be steered only to float, but was built for something greater purpose.
Noah wasn’t the Captain.
He was the passenger.
God was in control.
What we can learn from this?
Sometimes (most of the times) we keep trying to steer what God already promised to carry. And we forgot that He was already in control.
17/01/2026
Hindi na gagawing retirement fund
ang anak ng henerasyon ngayon.
Hindi dahil wala kaming utang na loob.
Hindi dahil wala kaming respeto sa magulang.
Alam namin ang sakripisyo.
Alam namin ang pagod.
Alam namin kung gaano kahirap magpalaki ng pamilya
lalo na noon.
Pero may isang malinaw na realization ang henerasyon ngayon.
Ang anak ay hindi backup plan.
Hindi insurance.
Hindi hulog-hulugan para sa pagtanda.
Isa siyang tao.
May sariling buhay.
May sariling pangarap.
May sariling laban.
Lumaki kami na maraming bata
ang maagang tumanda
dahil sila ang naging sagot sa kakulangan ng magulang.
Emergency fund.
Retirement plan.
Solusyon sa kahirapan.
At nakita namin kung gaano kabigat yun.
Kaya ngayon,
mas maingat na ang henerasyon ngayon sa desisyon.
Pinipiling maghanda muna.
Pinipiling mag-ipon.
Pinipiling ayusin ang sarili
bago magdala ng isang buhay sa mundo.
Hindi para tumakas sa responsibilidad.
Kundi para akuin ito nang tama.
Mas gusto naming
ang anak ay lumaki dahil mahal,
hindi dahil kailangan.
Mas gusto naming
tumulong ang anak dahil gusto niya,
hindi dahil obligado siya.
Hindi namin binubura ang halaga ng pamilya.
Mas pinapalalim lang namin ang kahulugan nito.
Kasi ang tunay na pagmamahal,
hindi ipinapasa ang bigat sa susunod na henerasyon.
Pinoprotektahan.
At kung tawagin man kaming
“iba,”
“selfish,”
o “masyadong maingat,”
okay lang.
Mas mahalaga na
ang anak ay lumaki na buo,
malaya,
at hindi may pasan na responsibilidad
na hindi naman niya pinili.
Hindi na gagawing retirement fund ang anak.
Hindi dahil walang puso ang henerasyon ngayon.
Kundi dahil mas natuto na kaming magmahal.
17/01/2026
Kuya Lem, a security guard, commented on one of my videos about how he saved ₱100k, even though he's earning minimum wage.
Touching people's lives is what keeps me going. I will continue to produce all my finance content for FREE!