Ready Ka Ba PH

Ready Ka Ba PH

Share

I help professionals and breadwinners build wealth, protect their income, and stay financially ready. Ready ka ba? Ask me how 👇
https://tinyurl.com/ReadyKaBaPH

22/05/2026

Minsan habang busy tayong alagaan yung future ng pamilya…nakakalimutan na rin natin sarili natin.

Maraming breadwinners at professionals ang magaling kumita, pero aminin man natin o hindi
kapag may emergency, madalas isang malaking gastos lang ang pagitan sa financial stress.

Hindi mo kailangang maging perfect agad financially. Hindi mo kailangang sabay-sabayin lahat.

Kailangan mo lang magsimula.
Paunti-unti. With the right plan and guidance.

As a financial planner, I help professionals and breadwinners become more financially prepared—without pressure and without judgment.

Ready ka ba maging financially prepared?

Message me “READY” and let’s talk. 🤝

21/05/2026

Habang naglalakad ako sa Makati, napaisip ako...ang daming tao dito na mukhang okay lang, pero pagod na pagod na pala.

Monday rush.
Mainit.
Traffic.
Siksikan.
Lahat nagmamadali.

Mga empleyadong may hawak na kape.
Mga naka-ID lace.
Mga pagod na mukhang gusto nalang makauwi agad pagkatapos ng mahabang araw.

Yung iba naghahabol ng MRT.
Yung iba mabilis maglakad kasi ayaw maabutan ng rush hour.
Yung iba tahimik lang…pero alam mong marami ring iniisip.

At totoo lang, nakakarelate ako sa kanila.
Kasi minsan kahit anong sipag mo, parang kulang pa rin.
Hindi ka irresponsible. Minsan talagang kulang lang ang income sa dami ng inaasahan sayo.

Bills.
Pamilya.
Biglaang gastos.
Mga bagay na hindi naman pwedeng takbuhan.

Ikaw yung unang gumigising at madalas huling nagpapahinga.
Tapos kahit pagod ka na, tuloy pa rin kasi may umaasa sayo.

Kaya importante rin talagang matutong maghanda financially.
Hindi para yumaman agad.
Hindi para magmukhang successful online.

Kundi para kahit may emergency, mawalan ng income, o may magkasakit…hindi agad guguho lahat ng pinaghirapan mo.

Kahit paunti-unti lang pwede ka magREADY:
• Emergency fund — Kahit ₱500/week, simulan mo. Target: 3–6 months worth ng expenses.
• Health coverage — HMO o PhilHealth update. Isa lang malaking hospital bill, balik ka sa zero.
• Life insurance — Lalo na kung may umaasa sayo. Hindi ito luxury. Ito ang pinakamalasakit mong regalo sa kanila.
• Utang management — List down lahat. Unahin yung mataas ang interest rate. Wag mag-add ng bago.

Hindi mo kailangang ayusin lahat agad. Pero kailangan mong magsimula.

Kasi ang pagiging breadwinner hindi lang tungkol sa pagbigay ng pera—kundi sa pagprotekta rin sa future ng mga taong mahal mo.

At kahit hindi ikaw yung breadwinner, pero isa ka rin sa tumutulong sa bahay, nagbibigay sa pamilya, o may taong umaasa sayo in some way…importante rin na maalagaan mo yung sarili mo financially.

Hindi mo kailangang maging perfect agad sa finances.
Pero sana, habang busy kang alagaan yung future ng ibang tao… maalagaan mo rin yung sarili mo. 🧡

20/05/2026

“Akala ko sapat na na kumikita ako.”

Yan mismo sinabi ng OFW client ko sakin.

Almost 8 years na siyang nasa abroad.
Tahimik lang, masipag, at laging inuuna pamilya.

Buwan-buwan nagpapadala.
Tuition ng kapatid.
Bills sa bahay.
Maintenance ng parents.
Minsan pati utang ng kamag-anak, siya rin sumasalo.

Akala niya okay na lahat kasi may stable siyang income at may ipon naman kahit papaano.

Pero isang tawag lang galing Pilipinas, nagbago lahat.

Naospital bigla father niya.
Sunod-sunod ang gastos.
Halos maubos ipon niya sa loob lang ng ilang linggo.

Sabi niya sakin:
“Ang hirap pala no? Ang tagal mong nagtatrabaho… tapos isang emergency lang, parang back to zero ka agad.”

Doon niya narealize na hindi lang pala income ang kailangan.
Kailangan din ng protection.

Kasi bilang OFW, hindi lang sarili mo ang dala mo araw-araw.
Buong pamilya rin.

At habang busy kang kumakayod abroad, importante rin na may planong sasalo kapag may hindi inaasahang nangyari.

Hindi para isipin ang worst case lagi.
Pero para hindi masayang lahat ng pinaghirapan mo kapag dumating ang unexpected.

Kaya ngayon, mas intentional na siya sa financial planning niya, hindi lang puro work and save, kundi may protection na rin para sa sarili at pamilya niya.

Maraming OFW ang magaling magprovide.
Pero minsan, nakakalimutang protektahan yung taong pinaka-pagod na sa laban.

If you’re an OFW or breadwinner na gusto rin malaman paano mas maging financially prepared, I offer free insurance consultations and personalized sample quotations based sa budget and goals mo. Educational and no pressure, para mas maintindihan mo rin anong pwedeng protection for you and your family. 🧡

19/05/2026

Ang hirap maging kampante ngayon.
Isang emergency lang,
pwedeng maubos ang ipon na ilang taon mong binuo.
Kaya habang nagwo-work hard tayo,
dapat natututo rin tayong mag-protect ng pinaghihirapan natin.

Hindi lang basta kumikita.
Dapat financially prepared din.
If gusto mo maintindihan paano magsimula,
I offer free financial consultation. 😊

18/05/2026

May mga breadwinner na hindi na umiiyak…
kasi nasanay nang sarilinin lahat.

Kapag may problema sa bahay,
automatic ikaw agad ang mag-iisip ng paraan.
Kapag may kulang,
ikaw ang gagalaw.
Kapag may emergency,
ikaw ang sasalo.

Tahimik ka lang sa paningin ng iba.
Pero ang dami mong bitbit araw-araw.

Minsan hindi ka naman tamad.
Hindi ka lang talaga makapagpahinga
kasi pakiramdam mo bawal kang bumitaw.

Pero eto ang totoo:
Hindi habang buhay kailangan puro survival mode.

Deserve mo rin ng buhay na hindi puro habol sa bills.
Deserve mo rin ng future na may peace of mind.
At deserve mo rin magkaroon ng backup para hindi lahat ikaw lang palagi.

Kung breadwinner ka, saludo ako sayo.
Alam kong hindi madali yung pressure na dala mo araw-araw.

17/05/2026

Sunday thoughts: future self mo, thankful kaya sayo?

16/05/2026

Breadwinner check-in tayo.
Ano pinaka mabigat lately?

• Bills?
• Family responsibilities?
• Career pressure?
• Walang ipon?
• Future worries?

Hindi ka nag-iisa.

Comment mo lang
“Lumalaban.”

15/05/2026

Dati, kapag may ₱1,000 ka sa grocery,
parang ang dami mo nang maiuuwi.

May bigas.
May delata.
May snacks.
May pang-ulam pa hanggang ilang araw.

Ngayon?
Minsan isang linggo lang, ubos agad.

Hindi naman dahil maluho tayo.
Talagang nagmahal na ang bilihin habang pareho lang minsan ang income.

At ito yung reality na tahimik na pasan ng maraming breadwinner:
kahit mas sipag ka nang magtrabaho,
parang mas hirap pa ring makahabol.

Kaya minsan hindi lang “kailangan mag-ipon” ang usapan ngayon.
Kailangan mas intentional na tayo sa pera.

Hindi sapat na hardworking lang.
Kailangan financially prepared din.

Kasi habang tumataas ang presyo:
• mas mahal magkasakit
• mas mahal magpaaral
• mas mahal mawalan ng income kahit saglit lang
• at mas mahal ang “bahala na” mindset

Financial preparedness doesn’t mean kailangan mayaman ka agad.
Minsan nagsisimula lang siya sa:
— pag-track ng gastos
— pag-build ng emergency fund
— pag-manage ng utang
— pagprotekta sa income
— at paggawa ng long-term plan habang maaga pa

Hindi para yumaman overnight.
Pero para hindi laging survival mode.

Breadwinner ka man o young professional,
ang goal hindi lang kumita nang kumita.

Ang goal:
hindi mapagod kakahabol habang tumataas ang gastos ng buhay.

Work hard, yes.
Pero make your money work smarter too.

14/05/2026

“Okay lang.”

Pero kung totoo lang…
ilan beses mo na bang sinabi yan kahit hindi?

“Okay lang” pag may problema sa bahay.
“Okay lang” pag pagod ka na sa work.
“Okay lang” kahit ramdam mong kulang na rin talaga.

Sanay kang ikaw yung strong.
Ikaw yung inaasahan.
Ikaw yung laging may sagot para sa lahat ng problema ng iba.

Pero habang tahimik mong inaayos ang buhay ng lahat…
baka hindi mo napapansin, sarili mo na pala yung napapabayaan.

Reminder lang:
Hindi sapat na lagi kang “kaya pa.”

Kasi kahit gaano ka ka-resilient, tao ka pa rin.
Napapagod. Nauubos. Humihinga rin ng bigat.

Kaya mahalaga rin na hindi mo nakakalimutan ang sarili mo sa proseso ng pag-aalaga sa iba.

✔ may pahinga ka rin na hindi guilt-filled
✔ may space ka para huminga
✔ may plano ka rin na hindi puro para sa iba

Kasi ang breadwinner, hindi lang tagasalo ng lahat.

Tao rin siya na kailangang alagaan.

Dahil kapag ikaw ang haligi ng pamilya…
hindi pwedeng ikaw ang laging pinakawalang sandalan.

13/05/2026

Ang hirap maging breadwinner no?

Ikaw yung laging present.
Laging nagbibigay.
Laging sumasalo.

Pero kadalasan…
ikaw rin yung huling nagiging priority.

Bills na kailangang bayaran.
Pamilya na umaasa.
Future na pinag-iipunan.
At mga pangarap na hindi pwedeng tumigil.

For years, sanay kang inuunang maging okay ang lahat.

Pero minsan, nakakalimutan mo na rin sarili mo.

Darating din yung panahon na mababawasan ang responsibilities.
Mas tatahimik ang paligid.

At mapapatanong ka:
“May naihanda ba ako para sa sarili ko?”

Kasi ang pagiging responsable sa iba
hindi ibig sabihin na huli ka palagi.

Deserve mo rin ng future na secured, peaceful, at para sa’yo rin. 🤍

Hindi naman kailangang isang malaking step agad.
Minsan, pagiging “ready” starts with one small decision.

Ready ka ba sa future mo? 💭

If gusto mo nang magsimula, kahit paunti-unti lang,
message me anytime 📥

— READY KA BA PH

Global markets edge higher while local stocks dip on tariff concerns 22/11/2024

📉 Global Markets Edge Higher, But Local Stocks Dip on Tariff Concerns 🌍

While global markets are seeing a slight uptick, local stocks are feeling the pressure due to ongoing concerns about rising tariffs. Investors are keeping a close eye on trade developments, which could impact market stability.

Stay informed and keep an eye on the market trends! 📊

Global markets edge higher while local stocks dip on tariff concerns The local market, meanwhile, was impacted by a weak peso and concerns over US President-elect Donald Trump’s protectionist policies.

Want your business to be the top-listed Accountant in Makati?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Makati