06/10/2026
Looking at my Czech passport, naaalala ko ang aking journey-mula sa pagiging isang Pilipinang nangangarap, hanggang sa pagbuo ng buhay dito sa Czech Republic. Hindi naging madali ang lahat. Learning the language, adjusting to a different culture, at patuloy na pagsisikap-each step took patience, courage, and faith.
Naranasan kong magtrabaho bilang janitress, house cleaner, caregiver, Billa shop lady ….. Naging bahagi rin ng aking paglalakbay ang pagiging Ad Hoc Filipino–Czech Court Interpreter at Country Manager ng Megaworld International Europe 3.
Bawat marangal na trabahong aking pinasukan ay may mahalagang aral at naging bahagi ng aking pag-unlad. Ipinagmamalaki ko ang aking pinanggalingan, at nagpapasalamat ako sa bawat pagkakataong matuto, magsikap, at makapaglingkod. ❤️
Sa bawat OFW dito sa Czech Republic: ang trabaho mo ngayon ay hindi limitasyon ng kaya mong marating. Keep learning, improve your Czech, at huwag matakot magsimula ulit. Every small step counts.
Magkakaiba tayo ng pagkakataon at bilis ng pag-usad. Your dream may look different from mine, and that’s okay. Ang mahalaga, patuloy kang humahakbang para sa sarili mo at sa pamilya mo.
Dati, pangarap ko lang ang buhay na unti-unti kong nabubuo ngayon. Sana ang journey ko ay magpaalala sa iyo na may posibilidad din ang mga pangarap mo.
Malayo ka pa man sa gusto mong marating, Kabayan, huwag mong kalimutan kung gaano na kalayo ang narating mo. Keep going. With hard work, faith, and the courage to learn, you can build your own story of success. 🙏
Mabuhay ang mga OFW! God bless us all!